"Mahirap maging isang taxi Driver pero meron din namang part na masaya kasi makakasalamuha ka ng iba't-ibang klase ng tao"
Oleia Confessions Vol. 5
Isang normal na araw sa Gotham. Rumoronda ako sa siyudad upang makatulong sa mga nangangailangan. Sasagupain ang mga masasamang loob at susuungin ang mga madidilim na eskinita masigurado lang na ligtas ang mga mamayan na makakauwi sa kanilang mga tahanan. Pagkatapos ko rumonda, magigising na ako kasi ala singko na.
Hindi naman kasi ako si batman, pero ako si Arman. Isang Taxi Driver. Gigising ng alas singko ng umaga, uuwi ng alas dyes ng gabi para magpahinga.
Pero sa totoo lang kung iisipin Medyo makatotohanan naman ang mga panaginip ko, para akong si Batman na rumoronda sa kalsada ng Maynila upang humanap ng mga taong nangangailangan, nangangailangan ng masasakyan na maghahatid sa kanila sa dapat puntahan.
Handa akong pasukin ang mga eskinita na para lang hindi tayo ma stuck sa traffic at makarating ka sa destinasyon mo ng hindi nale-late at paniguradong ligtas. Buong araw ko ‘to gagawin hanggang sa maka-boundary ako at kumita ng sapat para sa pamilya ko, at alam niyo? Kung minsan may mga pasahero pa na kung umasta akala mo pagmamay-ari niya ang mundo. Siyempre sa mga ganung pagkakataon ngingiti nalang ako habang tinatalakan ako kasi sabi nga ni Buddha, “ang regalo pag hindi mo tinanggap pagmamay-ari parin yun ng taong nagbibigay sayo.”
In short, kapag ginagawan or sinasabihan ka ng masama ng kung sino pa naman, kapag hindi mo tinanggap, sila pa rin ang magdadala ‘nyan.
Kaya naman imbes na magpaka-stress ako sa kanila, ngingitian ko nalang sila. Bahala silang magpaka-badtrip basta ako masaya ako kasi gwapo ako, joke!

Mahirap maging isang taxi Driver pero meron din namang part na masaya kasi makakasalamuha ka ng iba’t-ibang klase ng tao, swerte ko kasi mas madalas naman mababait ang mga taong naisasakay ko kesa sa mga taong bad trip sa buhay nila na gusto pa mandamay ng iba. Isang Araw may naisakay akong lalaki sa SM North, sa may babaan ng bus. Paglapit niya tinanong ko kung saan siya pupunta, “Sa Balete lang po!”, tugon ng pasahero at sumakay na siya. Noong una medyo tahimik siya pero pamaya-maya nung medyo natraffic kami bigla na siyang bumanat “kuya mahirap ba maging taxi driver?” ayos tong batang to ahh nang-iinterview syempre ako, chance ko na makapag-labas ng mga hinanakit at sama ng loob ng mga taxi driver!
Biro lang, kinuwento ko sa kanya ang mga gusto niyang malaman pero fast forward na tayo kasi medyo mahabang kwentuhan din yun basta kinuwento ko sa kanya lahat ng hirap na nararanasan ng isang taxi driver at pagkatapos kong magkwento ang sabi niya “Ang hirap nga po pala babad ka na sa polusyon ng maynila, masakit katawan mo pag-uwi, at kung minsan hindi pa sapat ang naiuuwi mo dahil lugi sa traffic” nakakatuwa kasi may May mga tao palang tulad nitong batang to na may pakialam sa mundo ng iba.
Pagkahatid ko sa kanya sa office nila nagpasalamat siya kasi nagshare daw ako sa kanya, tapos nung kumukuha na siya ng pambayad sa kin nakita ko may binunot siyang bote, medyo kinabahan ako at nagtaka kasi ano ba yun? bebentahan mo ba ako ng kung ano? hahaha! yan ang tumatakbo sa isip ko tapos nung iniabot niya sakin yung bayad saka yung maliit na bote sabi niya sa akin
Kuya try mo yung langis na yan! makakatulong yan sayo kesa sakin, ayos yan na pang alis ng sakit ng katawan ulo at iba’t iba pang sakit na mararamdaman mo salamat sa kwento kuya Arman!!
At ayun na nga, nakakatuwa kasi ang bait nung binatilyong iyon.

Balik pasada na ako pagkatapos nun, mga bandang alas nueve ng gabi ang sakit na ng likod ko! buong araw ba naman na pasada at kain lang ang pahinga talagang sasakit katawan ko. tumigil muna ako sandali kasi medyo mahirap na magdrive, nuti nalang at wala pa akong sakay nun nagpahinga ako tapos naalala ko yung binigay sakin nung lalaki kanina hinanap ko sa compartment (hindi ko na kasi binuklat kanina kasi nagmamadali na rin ako dahil medyo nakaharang na kami sa daan) nakita ko na yung bote maliit lang tapos nakalagay “OLEIA” topical oil ba yun?
Ah basta sinubukan kong maglagay sa likod ko after 5 minutes aba nawawala-wala na yung sakit ng likod ko hanggang sa tuluyan nang nawala yung sakit, ang bilis ng epekto niya at ang mas nakakatuwa pa eh ang bango ng amoy niya hindi amoy pang matanda nakakarelax yung amoy. Pagkatapos nun bumiyahe na ulit ako, ang galing ng Oleia simula noon lagi ko nang baon yun sa bag ko at kapag nakaramdam ako ng sakit, mapa ulo, katawan, sugat o ano pa yan kayang kayang alisin ng Oleia yan. N
akakabilib ang Oleia 7 years na ang nakalipas, at patuloy pa rin ako sa pag gamit nito, talagang malaking tulong ito para sa mga Tsuperhero na katulad ko lalo na sa atin na medyo nagkakaedad na at marami nang nararamdaman sa katawan at ang pinaka maganda pa dito ay natural lahat ng ingredients nito sabi nga nila:
“STOP PAIN THE NATURAL WAY”
Eto ang kwento ko, Ikaw? Anong kwentong Oleia mo?
ARMAN