“Kahit ano pang itawag natin, iisa ang dala nito…SAKIT!”

Oleia Confessions Vol. 3

Lakas maka-episode ng comics o cartoon, ‘no? Kumbaga sa title natin, si Pulikat ay isang kalaban, kontrabida, yung tipong siya sumisira sa napakagandang araw mo. Monster? Halimaw? O parang yung biyenan mo lang na talak nang talak sayo? Ano man itawag natin sa kanya, iisa ang dala nito sa tin…SAKIT!

Sabi nila atleta lang daw tinatamaan ng pulikat, pero I BEG TO DISAGREE, all caps. Paano? Ako mismo, pinulikat kahit hindi naglalaro ng kahit anong sports. Mahabang lakaran sa mall kasama si partner? Pulikat. Sinamahan si nanay sa pamamalengke na akala mong maraming bibilhin dahil lakad ng lakad yun pala isang kilong galunggong lang ang iuuwi? Pulikat. Kahit nga siguro sa pagbaba ng hagdan pwede kang magkapulikat. Kaya, kung tatanungin ako kung nakamamatay ba ang pulikat? Isang malaking OO!

 

“Wala pang mintis yan.”

Pero sabi nga, atleta talaga ang nakakaranas ng pulikat, well, sa mga “feeling” atleta rin naman, yung mga naglalaro ng sports para sa libangan lang talaga. Masaya, at healthy pa, yan ang dala ng sports. Ngunit sabi nga nila, may pagtatapos ang saya, hindi ka raw pwede yung laging masaya, at siyempre sinong sisira ng kasiyahan na ‘to, sino pa ba, PULIKAT.
Parang noong nakaraan lang, nag-aya si boss ng basketball. Masaya, kailan na lang ako huling nakalaro, pero pressure din, dating player ng isang sikat na University si Sir, eh ako? Larong ketket lang, so dapat “step up the game!” Unang laro, excited, mabilis, patalon talon, rebound, pick, shoot, nandoon yung “adrenaline”. Sinuwerte naman, sa hindi ko malamang dahilan, nakakashoot ako ng basket, active, hyper, sabi pa nga ng isa:

Natapos ang unang laro, panalo, akala ko tutuloy na ‘to. Muling nag-aya, rematch daw. At heto nanaman ako, active, hyper, pero ang lahat pala ng saya na yun, napawi rin nang…

ARAY! At heto na nga si Pulikat, ang sakit, pumipilit, pero bakit? Bakit kung kailan ang ganda ng laro ko, bakit kung kailan yung larong ketket ko ay nagiging larong pampustahan na? Pero meron pang mas hihigit pa sa sakit na ‘to, ang kahihiyan ko.

Ang kahihiyan na nag-iinit pa lang sa laro, pinulikat na, ang kahihiyan na sila ay nakakatakbo at nakakalaro pa, pero ako? Ayun sa sahig, nakahiga, namimilipit, kunwareng tumatawa na lang, pero nahihiya na talaga.

Mula sa “walang pang mintis”, napasabi na lang ng:

“Ano ba yan, wala pa sa 5 minutes ng laro pinulikat na.”

Solution?

May inabot si Sir na bote, pamahid raw, makakatulong sa pulikat ko, “OLEIA”. Pero nagdadalawang isip ako, hindi ba ang mga pamahid na ganito ay maanghang sa balat? Baka hindi na ako lalo makalaro, pero sinubukan ko. Hindi raw ito tulad ng ibang pamahid.

So binuksan ko at nilagay sa aking palad sabay pahid sa binti. Totoo nga, hindi nga ito mahapdi, pero masarap sa pakiramdam. ‘Di ko na rin napansin na pagkatapos lang ng sampung minuto, ayun na ako, naglalaro na ulit, full court pa. Hindi ko akalain na may pamahid na palang nakakagamot agad, pero hindi sya mahapdi sa balat.

Kaya para sa inyong naglalaro dyan, mapa-professional o larong barkada lang, try nyo ito, hindi na mapadhi, mabilis at effective pa!

Try nyo ang Oleia, para tuloy tuloy ang game.

Kuya Jots

Oleia User

Shares