Akala ko aabot. Pinilit kong pigilan. Pinilit kahit tingin ko di ko na kakayanin. Pasimple ko pang nilalabas ang ilang sama ng loob, umaasa na kahit papaano’y maiibsan ang sakit. Pero nagbago ang lahat ng biglang prumeno si Manong Drayber.

Sumirit. Bumulwak. At Unti- unting umalingasaw.

Oleia Confession Vol. 6

Simula pa lang ng byahe masama na talaga ang timpla ng tiyan ko. Nararamdaman ko na non ang paminsan minsang  pag hilab. Masakit at makirot.  Naisip ko na nun na pumunta sa pinakamalapit na CR at doon maglabas. Pero dahil sa hindi ako sanay na makipag meeting sa inidoro sa mga ganoong lugar. Pinagpalipas ko na lang at sinabi sa sarili na kaya ko naman na yan pigilan.

At isa pa, mas kumportable sakin umupo sa parehong trono ko sa bahay habang nagbabasa ng ingredients sa likod ng shampoo bottle. Duon din kasi ako nakakaisip ng mga bagay bagay na magagamit ko sa trabaho ko bilang creative head. Pero iba ang senaryo ng araw na iyon. Ang akala ko’y madaling pagpigil at paglilibang upang maituon sa iba ang atensyon ay nauwi sa isang nakahihiyang pangyayari.

Umupo ako sa gitnang parte ng bus na de-aircon. Dun ko rin naman naisip na ang lakas pala ng loob ko na pumili ng ganung masasakyan. Nanunuot ang lamig sa king balat. Wala naman akong jacket o pananggalang sa lamig na maari kong isuot. Ang resulta, lalo kong naramdaman ang ang nabubuong himagsikan sa loob ng aking tiyan. Para bang tinutulak ng lamig na yun yung laman ng tyan ko palabas.

Una, puro hangin, kaya ang akala ko yun na lang yun. Natuwa pa ko kasi karaniwan pag nailabas ko yung masamang hangin na yun, mawawala yung pakiramdam. Pero yun lang ang  akala ko. sa una, ikalawa at ikatlong buga, puro hangin lang. Pero sa ikaapat, pakiramdam ko ay may roon nang sumama.

Dito na nagsimulang pagpawisan ng sobra kahit na malamig ang aircon. Tayuan ng balahibo hanggang sa batok kahit wala namang multo. At mamutla ang kulay kahit di naman kabado. Ramdam ko na kasi na malapit nang sumabog ang sama ng loob na kanina ko pa pinipigil. Sari sari nang pag lilibang ang ginawa ko. Kung anu ano na ang inimagine at istoryang nilaro sa utak ko pero wala pa rin. Sinubukan ko na rin ang matulog ngunit wala pa ring pakinabang. Umaasa na lang talaga akong makarating sa pinaka malapit na mall at dun mag bawas. 

Pero sa sobrang mapaglaro nga naman ng kapalaran, sobrang trapik. Minsan, gusto ko na nga rin sisihin ang MRT 7 na to na dahilan ng  pagkatrapik sa daan na ito.Pero parang ang sama nga naman kung pati ang paglabas ng dumi ko ay isisisi ko pa sa mga gawain ng gobyerno. lupa.

 

Wala akong magawa. Iniisip ko na nga lang bumaba sa talahibang malapit na makikita ko. uupo duon at gagawa ng milagro. Pero sa dami ng tao sa Pilipinas imposibleng wala ni isa ang makakakita sakin. Isang bagay na magiging malaking kahihiyan.

Pero siguro nga, hindi ko para sa akin ang araw na ito, umuga lang ng kaunti ang bus, at ayun sumabog ang mabango kong sikreto. Bumulwak at umalingasaw. Isang senaryong gusto ko na sanang magpabaon sa lupa.Ito ang isang pangyayaring di ko makakalimutan. Kaya’t magmula nito, lagi akong may baong tissue at mabilis na remedyo sa sakit ng tiyan ko. Muntikan pa nga itong maulit.

Pero ang pinagkaiba noon at ngayon, may baon akong Oleia Topical Oil

Mabilis na matanggal ng hilab at sakit ng aking tiyan. Di ko na kinailangan mag isip, maglibang at higit sa lahat mag pigil. Dahil mayroon na akong Oleia na sasagot sa sakit ng tiyan ko.

Salamat Oleia.

Gumagalang,

Ron

Shares