Select Page

Oleia Confessions Vol. 4

Sinapak ako!

Ang sakit sobra. Hindi ako makatayo sa hinihigaan ko, madugo, nakakahilo, nakakainis. Ang lagkit sa feeling, makapasok kaya ako sa work nito? Buwan-buwan akong sinasapak nito eh. Nakakainis na, pero di ako makaganti. Babae kasi ako wala akong magagawa mangyayare at mangyayare ‘to. Magkakaroon talaga ako buwan-buwan, sasakit talaga ang puson, sariling katawan, at paparusahan ako. Minsan pa ang takaw ko. Madami ang pimples, pumapanget, di ko na alam nararadaman ko.

May gamot ba dito? Ang daming sinasabing remedyo. Maglagay ng hot compress sa puson, bawal ang maasim, may gamot pa nga eh, pero di naman nawawala ang sakit. May pinapahid din, malamig lang at ayoko pa ng amoy, ang tapang. Wala na bang makakatalo dito sa sigang katawan na to? Ang kailangan ko eh yung ipaglalaban ako – yung sakto lang, yung mawawala yung sakit, yung kaya akong paglaban. Malakas to eh, di ko kayang labanan.

Pero nung akala kong walang sagot para dito, meron pala. Para syang superhero, isang haplos nya lang nawala na napatumba nya na agad. Ang bango pa nya, tatlo yung amoy nya eh – lavender, peppermint at chamomile. Nawala na yung siga sa katawan ko. Ang galing nya. Gusto niyo ba siyang makilala?

Siya si Oleia.

Natural lang na ingredients ang ginagamit sa kanya pero mabisa at naipaglalaban niya ko. Hindi yung tipong paparamdam lang sayo na malamig… mawawala saglit at iiiwan ka din. Sa huli, masasapak ka lang uli.

Ang laking pasalamat ko nga sa kanya eh. Di na ako masasapak ng sakit, matatalo ng sakit sa puson at maaapektuhan ang mga ginagawa sa araw-araw – tulad ng trabaho, masungitan ang mga taong mahalaga sakin. Di ko na kailangan maghirap. Magpapahid ka lang sa puson, mawawala na sya. Akalain mo ‘yon napagtanggol nya ako. Di ko na pala kailangan magkunwaring matapang.

Ang kailangan ko lang pala ay Oleia Topical Oil. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Kaya ikaw! Ikaw na nanapak! Talo ka na! Lalo na ngayong may superhero na ko!

Nagmamahal,

Ate Keng

New Oleia User

Shares