Select Page

Walang maliit na hindi nakakapuwing

Cute.

Malikot.

Maliit.

Sabi nila kapag ismol o maliit daw e mahina, mahirap bigyan ng trabaho, hinahamak at walang masyadong silbi dahil nga maliit lang. Pinaka-una sa pila kapag find your height ang siste at pinakahuling pipiliin kung larong basketbol ang usapan. Hindi agad napapansin at kadalasang kinukuha na lang ‘pag wala nang mapagpilian. Mahirap pang hanapin dahil maaaring nagtatago sila sa kasuluksulukang lugar o hindi naman kaya natatabunan ng malalaking bagay. Mahirap din manood ng concert o kahit anong palabas kailangan nakatayo. Wala kang makita.

Kung hindi ka magpapakitang gilas, hindi ka mapapansin. Kadalasan ding nabubully ang mga maliliit, isang pitik lang tumba na. Idikit mo lang sa mas matangkad taob na. Kung ipagkukumpara, mas pinipili talaga ang malalaki dahil sa tingin ng iba’y mas mahusay sila. Ngunit sa kabilang banda at ang hindi nila alam, ang mga maliliit pa pala ang merong mas magandang maidudulot dahil kahit na maliit palaban sila at hindi nagpapatinag.

Ang hirap maging maliit

Madali pang isama o pakisamahan ang maliliit, kaya mong bitbitin kahit saan at ‘di pa mabigat dalhin. Dahil magaan ngang kasama, nakakapawi rin ng pagod at lungkot. Kaya nitong pahupain ang sakit na nararamdaman mo. Kahit na maliit, kaya kang yakapin at palambutin ang hirap mong nararamdaman. ‘Ika nga, kung sino pa ang maliit, sila pa ang mas nakakapuwing. Parang Oleia Topical Oil, alam mo ba kung ano iyon? ‘Di dahil maliit ito at mukhang mahirap mahagilap. Kung ikukumpara sa iba gaya ng efficascent oil, hindi hamak na isa lang itong bulinggit.

Pero, iba itong Oleia kasi kahit na maliit, sobrang bisa nito sa katawan ng tao.

Kung gagamitin sa sakit ng ulo, dysmenorrhea o kaya naman sa kahit anong sakit ng katawan ay ginhawa talaga ang hatid. Walang anghang sa pagpahid at mula pa sa iba’t ibang uri ng langis na siguradong makabubuti sa katawan. Hindi lamang sa masasakit na katawan ito magagamit, pwede rin sa mga rashes. Dati akong may rashes na hindi ko alam kung sa’n nanggaling, sobrang kati! Sinubukan kong gumamit ng Oleia at agad na humupa ang kati, unti-unti na ring nawala ang mga pantal ko.

Laking tulong ng isang maliit na bagay, ‘no? Kaya hindi dapat natin husgahan ang ano o sinuman dahil sa sukat nito. Kahit pa maliit e malaki ang magagawa. Subukan munang tignan ang inam nito bago sabihing wala itong maidudulot. Dahil malay mo, ang munti palang ito ang gusto mong makasama habambuhay dahil sa husay ng pag-aalaga nito sa’yo.

About The Author

Angela Ruiza is an Oleia user and content contributor. When not busy with work, she just prefers to spend time at home watching her favorite TV series and read books.

Shares