“Tandaan mo lang na walang inang gugustuhing mang-iwan ng anak. Nga lang, para saan pa ang buhay kung hindi tayo susubukin. Bago siya umalis, sana’y ramdam mo yung bigat ng lungkot niya. Mababakas sa mukha niya yung lungkot na handang makipagsapalaran pero ‘di handang magpaalam. Kaya’t ang ‘Ba-bye ni Nanay,’ isang pamamaalam na hindi matatawaran.”

Bago pa man mauso ‘yong mga sakit na dulot ng friend-zone, mayroon munang naunang ‘mother-of-all-pain.’ Oo, mother! Dahil ito ‘yong sakit na nadarama natin sa tuwing iniiwan o kailangan lisanin tayo ni nanay. Tanda mo pa ba ‘yong unang beses na naagawan ka ng lollipop? E no’ng nadapa ka sa harap ng mga kaklase mo? Tapos no’ng naburot ka sa langit-lupa at pinagkakatuwaan na ng mga kalaro. Gunita mo pa ba kung kanino ka unang pumupunta? Ang unang sumbungan, minsan pa nga’y paulit-ulit kang “nag-ma-Mamaaaaa!” lapitan ka lamang niya. Pero paano na lamang kung ang takbuhan e tuluyan na ring tumakbo? Sino na lang ang kakalinga sa batang laging burot noon.

Habang kinakantahan ka ng maligayang bati ng mga bisitang nakapaligid, naroon siya sa sulok ng kama, kaharap ang kompyuter at kuntento nang pinagmamasdan ang ngiti mo. Makita lamang niya ‘yong saya mo sa pag-ihip ng pitong kandila sa ibabaw ng tsokolateng keyk ay sobrang ikinagagalak na ng puso niya. O ‘di kaya nama’y tuwing inaapoy ka ng lagnat, ikinawawala ‘yon ng ulirat niya sa labis na pag-aalala. Mas pipiliin niyang malipat ang sakit sa kanya maibsan lamang ang iyong karamdaman. Kung kaya lang sana niyang puntahan ka agad para punasan ng maligamgam na tuwalya o ipaghain ka ng mainit na sabaw. Tiyak akong walang pasubali niyang gagawin lahat-lahat iyon, kung para sa’yo, bakit hindi? Walang ibang buo ang loob na tawirin ang anumang agwat upang kalingain ka, siya lang.

Alam mo ba kung gaano siya kagalak tuwing makatatanggap ng tawag o simpleng pangungumusta man lang galing sa’yo. Kahit pa kalimitan ay kasunod ng kumusta ang “penge, ‘Ma!” Gano’n pa man, gusto ko lang mabatid mong unan at sariling mga bisig niya ang binabalingan dahil milya-milya ang layo ng mga taong sana’y yayapos sa kanya. Hanggang haplos na lamang siya sa monitor ng laptop sa tuwing nangungulila, sa ganoong paraa’y para na rin niya kayong nahawakan. Doon, maigi siyang naghahanap-buhay para mairaos ang pang-araw araw niyo, mapagtapos ka ng pag-aaral, at mabigyan ng mga magagarang kagamitan kahit pa ang mismong sarili, hindi na mabilhan. Nitong lumaki-laki ka na, may pagkakataong miski ang alarm clock ay ‘di mo na maasahan. Kung narito lang sana siya, may hindi magsasawang kumulit sa’yo bumangon ka lang. Hindi ka pa man nakakamumulat ay handa ang kape, pandesal, o gatas sa mesa. Nariyan pang ipag-init ka ng tubig bago maligo lalo na kapag malamig ang panahon. Uuwi ka ng bahay, may uusisa kung paano umusad ang araw mo. Aalamin pa niyan kung may pinauwi bang asayment o proyekto si titser.

Papasok siya sa trabaho nang madaling araw, minsan pa’y ginagawang araw ang gabi, kumita lamang at makapagpadala. Pinalilipas ang sariling kaarawan dahil mas pinaglalaanan niya ang iyo. Bago matulog, luha ang gumigilid sa mata niya habang ipinagdarasal ang na sana’y bumilis ang araw sa kasabikang makasama kayo, gano’n niya tisiin ang pighati. Isipin mo na lang, walang aasikaso ng almusal niya roon, babangon siyang matibay at kikilos baon-baon ang inspirasyon niya… kayo. Kahit pa halos nasa hukay na ang isa niyang paa, ‘di siya mag-aatubiling ihakbang ang isa pang paa kung para naman sa kinabukasan mo. Ikaw na nandito, ramdam kita pero lahat ng ‘di mo nararanasan sa piling ng isang ina dahil malayo siya, sa totoo lang e mas ikinalulungkot niya ‘yon. Mas masakit sa parte niyang ‘di ka man lang mayakap sa tuwing may problema, bagsak, o may saloobin ka.

Tandaan mo lang na walang inang gugustuhing mang-iwan ng anak. Nga lang, para saan pa ang buhay kung hindi tayo susubukin. Bago siya umalis, sana’y ramdam mo yung bigat ng lungkot niya. Mababakas sa mukha niya yung lungkot na handang makipagsapalaran pero ‘di handang magpaalam. Kaya’t ang ‘Ba-bye ni Nanay,’ isang pamamaalam na hindi matatawaran.

About the Author

An ambivert with an old soul, exceptionally decaffeinator, dreams to travel & witness awesome places around the globe, and aspires to touch co-earthlings’ hearts. She is an avid user of Oleia.

Shares