(+632)915.1653 / (+63)922.886.5342 [email protected]

 “Busog ka ba o Buntis ka?”

Lalabas ka ng bahay, may makakasalubong na kakilala o tropa, babatiin kang “uuy, buntis ka na pala” o ‘di kaya’y “tumataba ka ata?” Maiinsulto ka dahil una, wala ka namang nobyo para magdalang-tao. Pangalawa, ilang linggo ka nang nagbabawas ng kain pero sadyang sagana kayo sa bigas kaya ayon, imbes na isa e napapa-dalawa hanggang tatlo, lima, pitong damak ka. Dadagdag pa si nanay na sobrang nagtataka na rin kung bakit hindi ka pa rin dinaratnan. Bubuhos na naman ‘yong mga hinala, ang pinaka-sampal doon, nag-aagaw lang ang mga duda sa “Busog ka ba o Buntis ka ba?”

Ang hindi alam ng marami, miski ng nanay mo, o ni bes ay mayroon ka na palang matagal nang hinihintay. Mas matagal pa sa dating ng mga pulis sa pelikula o sa pag-asa nating magkakanyebe sa ‘Pinas. Tipong napangigitnaan ka lang ng maghihintay pa ba o ‘wag na. Ang tinutukoy ko, maraming iba ang hindi buwanang dinadalaw, sa sobrang limit nga ay halos mag-iisang taon na bago pa man magkaroon. Base sa mga pagsusuri, karamihan sa mga nakararanas nito ay ang mga kababaihang may katabaan.

“Amenorrhea” ang karaniwang tawag sa ganitong kondisyon.

Umaabot ng tatlo hanggang anim na buwan at pataas ang pagtigil ng regla. Madalas, ito ay dahil sa mga likas na pangyayari sa katawan ng babae o ‘di kaya naman ay sa paraan niya ng pamumuhay. Upang malunasan ang ganitong kondisyon, nakadepende sa sanhi nito ang maaaring ipanggamot mismo rito. Sa madaling sabi, kailangan munang alamin ang sanhi, gaya ng tipikal na ginagawa upang malunasan.

Alam ng babae ang takbo ng sarili niyang katawan. Kung biruin ka man nila ng Buntis o Busog, aba’y ano naman? Alam at dama mo ang bawat piraso at pintig ng sarili mo kaya’t sa susunod na biruin ka nila ng ganoon, ‘wag mo na lang masamain. Ang maipapayo ko lang din, kung matukoy mo man na ang dahilan ng pagtatampo ng dati’y normal mong dalaw, agapan mo nang sa gano’n ay bumalik na siya. Tandaan mo, abala ang magkaregla pero mas nakakakaba kung wala.

About the Author

An ambivert with an old soul, exceptionally decaffeinator, dreams to travel & witness awesome places around the globe, and aspires to touch co-earthlings’ hearts. She is an avid user of Oleia.

Unit 731 Megaplaza, ADB Avenue, Ortigas Center, Pasig City Metro Manila, Philippines 1605 (+632) 998.1966 / (+63) 922.886.5342 (+63) 927.4078715/ (+63) 939.538.3701

Shares