"Moving on takes time"

Bakit nga ba ang hirap mag move on? Dahil ba naaalala mo yung masasayang moments niyo na magkasama? Oo mahirap talaga lalo na kapag nakikita mo yung mga Facebook posts niya na tipong wala lang sa kanya nang nawala ka. O kaya pag nakita mo yung stuff toy na binigay niya sayo tapos pinangalanan mo pa? Tapos ang pinakamasakit pa, yung makikita mo siya na meron nang iba. Ang hirap mag-let go ‘no? Isipin mo yung taong kasama mong nangarap ng magandang hinaharap ayun, sa ibang tao niya tinutupad. Moving on takes time lalo na kung inakala mo na siya na yung tamang tao para sayo.

Parang noong inakala ko na yung gamit kong ointment ang tunay na mabisa para sakin pero hindi pala, akala ko umeepekto siya kasi dama ko ang init na kanyang dala yun pala hindi nasusukat sa init ang bisa ng mga pamahid.

Napagtanto ko ito noong nasubukan ko ang Oleia. Ang pamahid na mabisa pero walang init na dala, sa bawat haplos at hagod , tanggal ang sakit at pagod mapatrabaho man o school yan, taob ang sakit sa oleia. Pinagsama-samang natural oils ‘to na lumalaban sa iba’t ibang klase ng sakit.

Hindi naman talaga mahirap mag move on. Ang kailangan lang talaga ay marealize natin na hindi siya ang tama para sa ‘tin.

Na kapag nakita natin yung talagang nakalaan para satin, pagtatawanan mo na lamang ang mga nangyari dati.

Kapag dumating na yung taong nakalaan sayo, yan yung biglaan, hindi mo inaasahan, at babaguhin lahat ng ideya mo tungkol sa perpektong katuwang! Siya yung dadating at yayanigin ang mundo mo dahil sa mga ipaparanas niya sayo,yung tipong mapapawow ka nalang sa mga surpresang dala niya.  Nandiyan yung mararanasan mong mahuli ang sarili mo na nakangiti dahil lang sa pagtitig sa kanya at marerealize mo na medyo mukha kang ewan pero okay lang kasi di mo mapigilan yung saya na iyong nadarama.

Sa paglaban man ng sakit yan oh sa pagharap sa realidad ng buhay sasakto yan swak na swak ang buhay niyo sa isa’t-isa. Kaya wag ka matakot mag move on kasi siguradong may darating para sayo. 

About The Author

Josef is an Oleia user and content contributor. He is a express himself through writing and music. He is not good at lying. He believes in the quote “He who knows does not speak, he who speaks does not know” 

Shares