“Studying hard is not studying well.”

Oleia Confession Vol. 10

Di ko alam kung mababasa ito ng lahat pero gusto ko na lang ring sabihin. Hindi ito pagpapabibida, pagyayabang o kung ano mang dahilan na sasagi dyan sa isip mo. Nais ko lang talagang sabihin ang tingin kong dapat sinasabi. Hindi ako aktibista. It’s just that pakialamero lang ako

“Studying hard is not studying well.”

Sa dinami-rami ng propesor na naging guro ko, di ko akalaing ang isa sa pinaka loko-loko mangagaling ang mga salitang yan. Mga salitang naging ugat ng mga argumento ko sa kung paano ko jinujustify ang procrastination. Ito ang nagsilbing aking pananggalang sa mga taong, ipipilit sakin ang ideyang “it’s a must” na mag review bago ang exam. Di ko alam kung tama ba ang application ko ng mga salitang yan sa tunay buhay. Pero sa pagkakaintindi ng mang mang kong utak, kailangan ko mag aral habang nag eenjoy ako. Yung tipong kung di ako masaya, ibig sabihin mali ang ginagawa ko. Mistulang application ng general rule of man, “kung saan ka masaya suportahan ta ka”. May ganung rule ba? Wala. Imbento ko lang yon. Pero ang punto lang naman ay maging masaya ka sa lahat ng ginagawa mo, so kung di ka masaya mag aral ng sin, cos, tan, square root na mukang di mo naman magagamit sa pag compute ng sukli mo pag bumili ka ng suka, edi tigilan mo na.

Pero isang paglilinaw, hindi nito ibig sabihin na di mo kailangan ang mga yan. Syempre gaya mo, gaya ko, kailangan natin magdusa para sa kapirasong papel na kung tawagin ay diploma, dahil iyon ang dikta ng lipunang ginagalawan mo. Ang kapirasong papel na iyon, sa mata ng lipunan ay ang basehan ng kakayahan mo, na pag mayroon ka noon, mas malayo ang mararating mo.

Diploma.

Isang malaking kabalintunaan ang generalization ng ating lipunan na pag may diploma ka siguradong aayos ang buhay mo. Na kapag mayroon ka ng papel na ito, katibayan iyon na bihasa ka na sa larangang pinili mo. Mali, maling mali, “very wrong.” Ang mga taong may ganung paniniwala ang karaniwang nilalamon ng industriyang pinili nila. Siguro nga asset na matatawag ang may diploma, pero hindi ba’t kapirasong papel lang iyon, inimprentahan, nilagay ang pangalan mo, at magsisilbing patunay lang na ika’y nagtapos? Pero kahit kailan di pa ako nakakakita ng diplomang nakalagay na “this is to certify that (name of the student) will excel on (his chosen field)”, kung ganun ang labanan edi pupunta na lang ako sa recto para magpaprint ng ganun. Kailanman, di magiging basehan ng kagalingan ng isang tao sa isang larangan ang pagkakaroon niya ng diploma. It can be called as your gate pass to the industry but it will never serve as a VIP ticket for you.

Punta tayo sa isang bagay na mas makakapa at mararamdaman ng estudyanteng gaya ko.

Grades.

Ikaw grade conscious ka ba? Yung tipong iiyakan mo ang limang mali sa quiz nyong 15 items lang naman. Yung tipong nag iipon ng layers ng eye bags every night before exams?  Well, walang masama sa paghahangad na magkaroon ng mataas na marka. “Pursue excellence and success will follow” sabi nga ni Rancho (3 idiots) di ba? It will never be a mistake to always strive for excellence, for greatness. Yung tipong nag eexcell ka sa lahat ng bagay na gawin mo. Pero sana lang wag kang maging tipo na gumuguho ang mundo dahil sa mababa ang nakuha mong score. Di mo ikakamatay kung makakakuha ka ng tres io dos paminsan minsan. Wala ring masamang bumagsak at umulit, sabihin mo, gusto mong imaster lahat ng lesson sa subject na yon. Tandaan mo na gaya ng diploma, di magiging basehan ang grades mo sa kung gaano kadami ang iyong nalalaman. Tandaan mong mas marami ang mga bagay na hindi pinag aaralan sa loob ng eskwelahan. Ang tunay na silid aralan ay ang nasa labas, ang buhay. Hindi ka mapapakain ng mga teoryang pinag aaralan mo, pero ang uri ng diskarteng matutunan mo sa buhay, magagawa kang busugin noon. The law of the wildlife still applies for the humans, “Survival of the fittest, elimination of the unfit.”

Isa pa ang sistema ng edukasyon, o mas tamang sabihin ang tingin ng tao sa sistema ng edukasyon. For me, memorizing is the poorest type of studying and an education that employs studying by memorizing is the weakest. Kung kakabisaduhin mo ang depenisyon ng isang salita word by word galing sa libro, I may sound rude, pero sana naging libro ka na lang. Lalo na kung kabisado mo lang  pero di mo naman pala naiintindihan ang mga pinagsasabi mo.

Sabi rin sa akin ng loko loko kong propesor “ang pagsusulit ay ginawa upang sukatin ang antas ng natutunan ng isang estudyante, bakit ka nagrereview?” Tama nga naman, di mo malalaman kung gaano ka natuto kung irerefresh mo lang sa pagrereview bago mag exam ang utak mo. After ng ilang araw, ganun rin naman isa isa mo lang rin naman yang kakalimutan. Di ko sinasabing wag nating pag butihan ang ating pag aaral, pero ang punto lang ay enjoy life while you can. Don’t stress yourself too much. Grades are just numbers and diplomas are just pieces of papers after all, what matters is the thing inside your brain and your heart, and that is for you to discover.

Saan banda ang Oleia confession dito? Well, wala naman talaga diyan, pero ang gusto ko lang naman sabihin na sa tulong ng Oleia, naisulat ko yan. Ayos di ba? Minsan kasi masakit para sa maliit kong utak ang mag isip ng ganito, pero dahil sa Oleia, naisali ko to sa writing competition at ayun, nanalo.

 

Isang paghanga mula sa maliit kong utak,

Agapito.

Shares