Mabuhay ang mga single!

since birth man yan o sa mga naglakas loob na kumawala na sa nakakasakal na relasyon, may alam akong magandang kwento ng paghihiwalay medyo kakaiba hindi ba? kasi kadalasan sa mga ganung kwento masaklap, nakakalungkot, at nakaka bitter pero ang kwentong to ay kakaiba kasi masaya. Sabi nga nila ang pag-ibig bigla-bigla na lang dumadating hindi mo alam kung kelan, hindi mo alam kung saan, Biglaan nga diba? parang yung ikukwento ko ngayon istorya nang pagmamahalan na nauwi sa hiwalayan, parang tipikal na kwento lang din naman to katulad ng iba. nagsimula sa pagkakakilala na tipong yumanig ang mundo ng bawat isa ng biglang magtagpo ang landas nila. Niligawan ni guy si girl minahal ni girl si guy tapos in the end nasakal si Girl kaya gusto na niyang makipag hiwalay.

May aaminin ako sa inyo!

sa totoo lang lahat tayo alam ang kwentong ito simula noong mga bata pa tayo naririnig na natin ang kwentong ito mula sa mga magulang natin at lalong lalo na sa ating mga guro. Simula elementarya papunta sa sekondarya at hanggang sa mag kolehiyo ka gasgas na gasgas na ang kwentong ito, siguro may idea ka na kung ano ang sinasabi ko? kung ang iniisip mo ay ang kwento ni juan Tamad ay itigil mo na ngayon din ang pagbabasa nito kasi nagkakamali ka, ang kwentong ito ay ang kwento ng paglaya ng ating Inang bayan mula sa mapang-abusong mga Mananakop!

kailan nga ba tunay na nakaranas ng kalayaan ang Pilipinas? June 12 1898 ng tuluyang umalis ang mga Espanyol sa Pilipinas, Buong akala natin ay tapos tatlong daang taon na ang pananakop ngunit ang hindi natin alam ay nag karoon ng kasunduan ang mga Amerikano at Espanyol na tinaguriang Treaty of Paris kung saan napagkasunduan ng dalawang partido na bibilhin ng Amerika ang Lima sa Mga nasakop na Teritoryo ng Imperyo ng Espanya. Akala ng ating mga ninuno ay napaka buti ng mga Amerikano dahil sa pagtulong nila sa Pagpapalayas satin mula mga Espanyol, ang hindi nila alam ay Ibinenta tayo ng Espanya sa Estados Unidos sa Halagang 20 milyong dolyar. Kinilala at idineklara ng America ang Kalayaan ng Pilipinas noong july 4 1946 at ngayon ay ipinagdidiwang natin tuwing ika-12 hunyo sapagkat noong petsang iyon taong 1898 winagayway ni Emilio Aguinaldo ang bandila ng Pilipinas sa Kawit Cavite

 

Bakit nga nga ba sa hinaba-haba ng panahon ay ginugunita parin natin ang araw na ito?

siguro kasi 333 years tayong sinakop kaya dapat 333 years din natin ipagdiwang ang araw na ito? Biro lang! ginugunita natin ang araw na ito bilang pagpupugay sa ginawang katapangan ng mga anak ng bayan upang makalaya ang pilipinas sa mapang-abusong mga mananakop. kailangan ba talaga ito? bukod sa pag gunita ano pa ba ang dahilan kung bakit natin ipinagdidiwang ang araw na ito? Isa pa sa dahilan kung bakit natin ginugunita ang paglaya ng ating Bansa ay upang Hindi Makalimutan ng Bagong Henerasyon ang lahat ng hirap a pang-aabuso na dinanas ng ating Bansa sa Ilalim ng kolonisasyon ng mga Banyaga at na dapat pangalagaan ang kasarinlang kinailangan mag-alay ng libo-libong buhay makamit lang.

Kahapon Ika-12 ng hunyo ipagdiwang natin ang ika 119 na taon ng pagiging malaya ng ating bansa sa mga mananakop. At eto na siguro ang pinaka magandang kwento ng paghihiwalay na malalaman niyo ang tuluyang paghiwalay sa mga mananakop at pagyakap ng Pilipinas sa Kalayaan. Sang ayon ka ba?

About The Author

Josef is an Oleia user and content contributor. He is a express himself through writing and music. He is not good at lying. He believes in the quote “He who knows does not speak, he who speaks does not know” 

Shares