“Wala pala sa haba yan… nasa paghagod lng.”

                 

Oleia Confessions Vol. 2

Nag-aaral ako sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. Itago niyo na lang ako sa pangalang “Ole”, palayaw ko ‘yan, kilalang dalagang Filipina at tahimik kapag nasa klase at tanging mga kamag-anak ko lang ang nakakaalam niyan. Kaya malamang ‘pag nabasa nila ‘to, makikilala’t makikilala nila ako.

Hindi talaga ako taga Maynila, tubong Quezon Province ako, pero dahil sa kagustuhan kong mag-aral sa sikat na paaralan na ‘to, pinilit ko. Sa ngayon, nagdodorm ako, sa totoo lang mahirap mag-isa, wala akong ibang katuwang, gigising sa umaga, maghahanda ng kakainin, ihahanda ang mga gamit, magpaplantsa at maglalaba ng mga damit. Nakakapagod talaga mag-isa, minsan nga naiisip kong bumalik na lang ulit sa probinsya at doon ipagpatuloy ang pag aaral ko kaso, nandito na ‘ko eh, kaya lulubusin ko na.

Ikalawang semester na, medyo maluwag ang sched ko, sakto napadaan ako sa recto, napatingin ako sa isang establisyemento na may nakalagay na “hiring”. Pumasok ako, ‘di ko alam kung anong nagtulak sa isip ko nung mga oras na ‘yon. Maya-maya nagulat ako, mukhang nagkamali ako ng pinasukan.  Grabe matapos ang ilang minuto, tinanong na ako, at pinasubok sa’kin kung marunong talaga ako. Nung una medyo naiilang ako, kasi lalaki yung boss ko. Kaso parang may nagtutulak sa isip ko na sige na, gawin mo na yan.

Maya-maya, dahan-dahan akong lumapit sa kanya, hinawakan ko siya mula sa taas, pababa.

Nakikita ko sa mukha niya na parang nadidismaya siya, kaya sinubukan kong pisilin ng kaunti ang kanyang likuran, nagulat ako dahil hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit na tila sarap na sarap siya sa ginagawa ko. Medyo natuwa ako kaya pinagpatuloy ko ito. Hindi nagtagal, nagreact si boss, “ano, ito lang ba ang alam mo na posisyon wala bang iba?” Kaya napasagot ako na sige sir, tumihaya ka naman at ako na ang bahala. Sa pagtihaya ng boss ko, nagulat ako bakit ganun? Ganito lang ba talaga kahaba?

Sinukat ko ng daliri ko, grabe bes 3 inches lang!!!

Medyo napangiti ako at halatang napansin ng boss ko na medyo nag-alangan ako sa haba nito. “Huwag mong maliitin ang abilidad ng 3 inches na yan, marami nang katawan ang  nagdaan diyan .” Matapos ang pangyayari, natuwa ako dahil tanggap na raw ako sa trabaho ko. Isa na akong working student, aral sa umaga, taga massage sa hapon.

Salamat sa 3 inches na ginagamit ko.

Ngayon, masasabi kong wala yan sa size, nasa katas at paghagod ‘yan . Maraming salamat Oleia dahil sa’yo, naipagpatuloy ko ang pag-aaral ko nang hindi na sumasandal sa magulang ko; ngayon, 4th yr. College na ako. Kaunting hagod na lang, makakapagtapos na rin ako, tulad ng pagtapos ko sa mga sakit ng katawan ng mga nagiging customer ko.

Nagmamahal,

Ate Ole

New Oleia User

Oleia Product
Shares